2 sa 6 Pinoy na namatay sa Algeria crisis kinilala na

KINILALA na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang dalawa sa anim overseas Filipino workers (OFWs) na namatay sa hostage taking sa isang gas facility sa In Amenas, Algeria.

Naabisuhan na rin ang mga pamilya nina Raffy Edubane at Iluminado Santiago ukol sa sinapit nila sa apat na araw na hostage crisis.

Kinilala na rin ang apat iba pa pero hindi muna inilabas dahil hindi pa alam ng kani-kanilang pamilya.

TIniyak naman ng OWWA na kanilang ibibigay ang anumang nararapat na ayuda para sa mga biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply