2 sama ng panahon namataan sa Mindanao

weather

DALAWANG sama ng panahon ang namataan sa  Timog Silangan ng  General  Santos City at  Mindanao kaninang  umaga  ayon sa ulat  ng PAGASA.

Ayon sa PAGASA, alas-4:00 ng madaling-araw kanina nang namataan ang  unang  low pressure area (LPA) sa layong  490  kilometro  ng Timog-silangan ng General Santos City.

Samantala, kaugnay nito, isa pang sama ng panahon ang namataan sa layong  1,090 kilometro ng Silangan ng Mindanao.

Sinabi pa ng PAGASA na magdadala ng  maulap na papawirin  na makaaapekto sa Hilagang Luzon bunga  ng  dalawang  sama  ng panahon na namataan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply