2 snatcher kulong sa sigaw ng biniktima

behind bars

KULONG ang dalawang snatcher matapos magsisigaw ang hinablutan ng kuwintas sa Caloocan City, kagabi (Enero 11).

Nakilala ang mga suspek na sina Billy Rey Mariano, 28 ng B. Santol Road, Potrero, Malabon City at si Marvin Sta. Maria, 26, ng Aguilla St., Tondo, Manila.

Sa pahayag ng biktimang si Joy Rodelas, 30 ng Tañong, Malabon City, dakong alas-6 ng gabi, kasakay niya sa dyip ang mga suspek at pagsapit sa Samson Road, Caloocan City ay pumara ang mga huli.

Laking gulat ng biktima nang biglang pitasin ng isa sa mga suspek ang suot na kuwintas bago mabilis na nagsibaba at tumakas.

Nagsisigaw naman ang biktima na nakatawag sa pansin ng mga tambay na naging dahilan upang habulin hanggang sa madakip si Mariano.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip naman si Sta. Maria subalit hindi na nabawi ang kuwintas ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply