2 storey commercial building, nasunog

sunog-1

NASUNOG ang isang 2 storey commercial building kaninang umaga sa Ermita, Manila.

Nabatid na dakong alas 8:30 ng magsimula ang sunig sa nasabing gusali na matatagpuan sa M.H. Del Pilar Street malapit sa Padre Faura St., Ermita, Maynila.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago idineklarang under control pasado alas-9:00 ng umaga.

Wala naming naiulat na nasawi sa sunog maliban lamang sa dalawang nasugatan na si Gerry Dela Cruz, bumbero na nahiwa ang kaliwang kamay, at isang radio reporter matapos matalsikan ng bubog sa ulo.

Agad namang ginamot ang mga nasugatan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at kung magkano halaga ang natupok ng apoy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply