2 tirador ng taksi, bumulagta sa engkuwentro sa QC

crime3

BUMULAGTA sa engkuwetro ang dalawang tirador ng taksi nang kumasa sa pulisya kaninang madaling araw (Enero 26) sa Quezon City.

Isa sa hindi nakikilalang suspect ang namatay sa loob ng mismo ng taksi na kanilang kinarnap habang ang isa naman ay bumulagta sa bangketa na isang senyales na lumabas ito para kasahan ang mga tropa ng parak na sumita sa kanila.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, naganap ang insidente dakong ala 2:15 ng madaling araw sa Commonwealth Avenue sa Barangay North Fairview.

Sa ulat na nakarating sa QCPD station 5, bago ang insisdente ay hinoldap ng napatay na mga suspect ang tsuper ng isang Toyota Vios taxi na may plakang (UWA-146).

Pero sa pagmamaneho ng taksing kanilang tinangay ay minalas na mamataan sila ng isang QCPD police team kaya hinabol sila para sitahin.

Pero imbes huminto, pinaputukan ng mga suspect ang mga pulis kaya napilitang gumanti at matagumpay na napatumba ang dalawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply