20 bahay naabo sa Pasay

sunog

TINATAYANG abot sa 20 kabahayan ang tinupok ng apoy sa mahigit apat na oras na sunog kagabi sa Pasay City

Nagmistulang impiyerno ang naglalagablab na apoy na nagsimula dakong alas 6:40 ng gabi sa isang residential house sa Merville Access Road Kalayaan sa lungsod ng Pasay.

Dahil sa tindi ng apoy, nahirapan ang mga pamatay sunog na apulain ang apoy sa kabahayan na gawa sa light materials.

Bukod sa gawa sa light materials, nahirapan din ang mga bumbero dahil sa masikip na daanan na paglalagyan ng mga host upang agad maapula ang apoy.

Ayon sa Pasay City Fire Department, napakabilis ang pagtaas ng alarma ng sunog na nagsimula ng alas:6:40 ng gabi ay itinaas ng 5th alarm

Nabatid pa sa pamatay sunog na walang naiulat na namatay o nasaktan sa sunog.

Hanggang sa kasalukuyan, inaalam pa ng arson investigator ang sanhi ng sunog na puminsala sa tinatayang P5 milyon halaga ng mga ari-arian.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply