20 nasilo sa paglabag sa Motorcycle Helmet Act sa QC

NAHULI ng mga operatiba ng Land Transportation Office (LTO) ang may 20 rider makaraang lumabag sa unang araw ng implementasyon ng Motorcycle Helmet Act sa Quezon City, Biyernes ng umaga.

Umistambay ang mga LTO operative sa may Commonwealth Avenue, Philcoa at Quezon Memorial Circle at isa-isang hinuli ang mga lumabag sa MHA.

Sa mga unang oras na implementasyon, pinara ng LTO teams ang isang miyembro ng pamilya na nakasakay sa isang motorsiklo, pero kahit isa sa kanila ay walang suot ng helmet.

Ang isa namang violator ay tauhan ng Quezon City government’s Department of Public Order and Safety (DPOS), sa pamumuno ni DPOS Chief retired police General Elmo San Diego. Bagama’t may suot itong helmet, wala naman itong Import Commodity Clearance (ICC) sticker at hindi rin nakarehistro ang motorsiklo nito.

Ipinapatupad ng LTO ang Republic Act 10054, ang Motorcycle Helmet Act, na nag-uutos sa mga motorista na magsuot ng half-faced helmet na may clear visor o isang full-faced helmet na may clear visor para matiyak ang kaligtasan habang nagmamaneho o nakasakay sa motorsiklo.

Kailangan din na ang mga helmet ng mga motorcycle rider ay may ICC sticker.

Sa batas, ang mga lalabag ay pagbabayarin ng P1,500 multa sa unang opensa, P3,000 sa ikalawa, P5,000 sa ikatlong opensa at P10,000 at kumpiskasyon sa lisensya sa ika-apat at susunod pang opensa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply