200 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Taguig

fire

MAHIGIT 200 pamilya ang nawalan ng tirahan nang maabo ang kanilang tinutuluyan sa sumiklab na mahigit isang oras na sunog sa Taguig City.

Ayon kay Taguig City Fire Marshall Chief Insp. Junito Maslang, nagsimula ang sunog alas-12:45 ng hatinggabi kanina sa bahay ng isang Carla Jaca na mabilis kumalat sa katabing mga bahay sa Mini Park, Barangay Fort Bonifacio.

Sa imbestigasyon ni Arson Investigator SFO1 Douglas Modomo, mabilis na kumalat ang apoy dahil bukod sa magkakadikit ang mga kabahayan ay gawa pa sa kahoy ang karamihan kaya kaagad na umabot sa ika-limang alarma ang sunog bago tuluyang nadeklarang kontrolado dakong ala-1:49 ng madaling-araw.

“Nakatulugan daw ang nakasalang na tubig ang pinagmulan ng apoy pero may nagsasabi na may isang boarder sa nasunog na bahay na nagbantang susunugin ito dahil sa dami ng utang,” pahayag ng isang residente sa naturang lugar.

Wala namang iniulat na nasaktan sa naturang sunog habang pansamantalang dinala ang mga biktima sa malapit na covered court sa Fort Bonifacio.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply