200 tent na pansamantalang silid-aralan sa Mindanao, inilatag ng DepEd

TINATAYANG 200 tent ang nakahanda na sa Compostela Valley at Davao Oriental sa Mindanao upang maging pansamantalang silid-aralan ng mga estudyante na magbabalik eskuwela sa Huwebes.

Ayon sa Department of Education (DepEd), gagamitin ang mga tent na ito habang ginagawa ang mga nasirang eskuwelahan.

Ayon sa ulat sa radio, mahigit sa 700 silid-aralan sa Davao Oriental at 500 naman sa Compostela Valley ang nasira ng bagyong Pablo.

Matatandaang Davao Oriental at Compostela Valley ang matinding sinalanta ni Pablo (Bopha) noong Disyembre. Kung saan nag-iwan ang naturang bagyo ng mahigit 1,000 na patay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply