200K rehistradong OAVs, inalis sa talaan ng mga botante – Comelec

INIANUNSIYO ng Commission on Elections (Comelec) na mahigit sa 200,000 rehistradong overseas absentee voters (OAV) ang inalis nila sa official voters’ list matapos na mabigong maghain ng manifestation of intent to vote para sa 2013 midterm elections.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na bagamat umakyat sa 900,000 ang rehistradong OAV ay pinadalhan naman nila ng notice ang mahigit 200,000 sa mga ito matapos na hindi nakaboto sa magkasunod na eleksiyon.

Sa nasabing notice, pinaalalahanan nila ang mga rehistradong OAV na ide-delist sila sa listahan kung hindi magsusumite ng manifestation of intent to vote.

Gayunman, 29 overseas absentee voters (OAVs) lamang ang sumunod sa kanilang kautusan na maghain ng manipestasyon.

“We told them that if you say your intention to vote then we will activate it. But out of the 200,000 only 29 replied so we are going to proceed with the delisting of the over 200,000,” ayon kay Brillantes.

Iginiit ni Brillantes na mahalaga para sa Comelec na matukoy ang bilang ng mga botante na nais bumoto sa paghahanda ng mga balotang gagamitin sa halalan.
“Just imagine we will prepare 978,000 plus ballots and then not all of them will vote?” aniya.

Nauna rito, nagpalabas ng Resolution No. 9567 ang Comelec kung saan nakasaad na ang mga botanteng bigong bumoto sa magkasunod na halalan ay aalisin na sa listahan ng mga botante.

Binigyan naman ng pagkakataon ang mga ito na ma-reactivate ang kanilang rehistrasyon hanggang noong Disyembre 21 ngunit bigong sumunod ang mga ito.
Tinatayang mayroong 915,000 registered absentee voters sa ibayong dagat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply