2013 bar examinations palalawigin – SC

sc

INAPRUBAHAN na ng Supreme Court en banc ang rekomendasyon na palawigin ang oras sa Bar examinations ngayong 2013.

Sa rekomendasyon ni Bar Confidant Atty. Cristina Layusa, mula sa tatlong oras ay gagawin na itong apat na oras.

Magsisimula naman ito dakong alas 2:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

Sa kabuuan, tatagal ng apat na oras ang pagsusulit sa umaga at hapon.

Upang mapanatili naman ang kaayusan, ang pagsusulit ay gagawin pa rin sa University of Sto. Tomas sa Maynila sa Oktubre.

Magsisilbi namang Bar Examinations Chaiperson ngayong taon si Associate Justice Arturo Brion.

Kabilang naman sa laman ng pagsusulit ang mga sumusunod na asignatura: Political Law, Labor and Social Legislation, Civil Law, Taxation, Mercantile Law, Criminal Law, Remedial Law, Legal Ethics at Practical Exercises.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply