Mindanao uulanin sa pag-entra ng LPA sa PAR

PUMASOK na ang isang potential cyclone na low-pressure area (LPA) sa Philippine area of responsibility (PAR) kaninang tanghali (Enero 2), at ayon sa state weather forecasters nagsisimula na itong umepekto sa Mindanao.

Sinabi ni PAGASA forecaster Elvie Enriquez na ang LPA ay nakapaloob sa inter-tropical convergence zone at inaasahan na magdadala na ito ng mga pag-ulan sa ilang parte ng Mindanao.

“As of 2 a.m. today, Japan’s Meteorological Agency classified this LPA as a tropical depression while the US’ Joint Typhoon Warning Center did not consider it a potential tropical disturbance as yet. However, atmospheric conditions show the possibility of this LPA to further intensify into a tropical depression within the next several hours,” pahayag ni GMA resident meteorologist Nathaniel “Mang Tani” Cruz.

Kapag naman na ang naturang LPA ay naging ganap na cyclone o bagyo habang ito ay nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas, papangalanan itong “Auring.”

Sinabi naman ni Enriquez na ang cold weather conditions ay hindi kaaya-aya sa pormasyon ng bagyo, kaya naman ang mga residente ng Mindanao ay dapat manatiling mapagmatyag.

Ihinalimbawa nito ang kaso ng Tropical Cyclone Quinta (Wukong), na hindi inaasahang magiging isang ganap na bagyo pero naging ganap na bagyo nitong nakaraang Disyembre.

Sinabi ng PAGASA na huling namataan ang LPA sa layong 1,020 km timog-silangan ng Mindanao, at nakapaloob ito sa ITCZ na umeepekto sa Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply