DE KALIDAD O PANG-ENTERTAIN LAMANG NA PELIKULA

inton

KUNG hindi ako nagkakamali, 35 years old na ang Metro Manila Film Festival (MMFF). Dati inaabangan talaga ito dahil sa showcase ng magagandang pelikulang Filipino. Ngayon, parang sobrang commercialized na raw ang MMFF at parang mas mahalaga sa mga producer ang makagawa ng mga pelikula na sigurado ang kita.

Taon-taon halos pare-pareho ang tema ng mga kwento at ‘yun at ‘yun din ang mga nagsisiganap.

Kasi mas mahalaga na ang box-office showing kaysa sa kung ano pa man.

Kung ang isang pelikula ay kumita sa naunang MMFF, siguradong may pelikula ulit ang mga artista na gumanap sa kumitang pelikula nang nakaraang taon.

Dati, hindi mo agad alam kung sino ang may mga pelikula sa MMFF. Kapag Disyermbre, excited kang maghintay sa pagdating ng Pasko, kasi pagandahan ng kalidad ang paggawa ng pelikula noon at hindi ‘yung ginagawan na lamang ng istorya ang mga kumikitang artista.

Sa MMFF ngayon, napag-usapan ang kalidad ng ‘Thy Womb’ pero hindi naman kumita. Hindi kasi pang MMFF ang ‘Thy Womb’. Ang kwento nito ay hindi raw umaakma sa damdamin ng Kapaskuhan kung saan kasiyahan at selebrasyon ang nasa puso ng tao.

Nagmukha tuloy kawawa ang pelikula na nilangaw daw at halos makiusap pa ang mga may gawa nito na huwag naman agad-agad ma-pull out sa mga sinehan. Kahit ang pagkapanalo ni Nora Aunor bilang Best Actress at Brillante Mendoza bilang Best Director ay walang nagawa para humatak ng mga manonood ang pelikula.

Samantala, ang Sisterakas na ang sabi ng iba ay purong entertainment lang daw ang tema ay sobrang laki raw ng kita.

Wala namang masama sa paghahangad na kumita ang isang pelikula, kaya lang sana hindi na inilagay sa MMFF ang ‘Thy Womb’.

Nais ko namang bigyang-pugay ang ‘El President’ na kahit hindi ito saktong-sakto sa kwento na umikot sa buhay ni Emilio Aquinaldo, mabuti na may gumawa ng ganitong pelikula na nagbibigay-interes sa buhay ng mga interesanteng personalidad sa kasaysayan natin bilang Filipino.

Sa aking palagay, huwag na lang kasi nating pilitin na maging award-giving body or award-conscious body ang MMFF.

Gawin na lang talaga siyang “festival” tapos, simpleng film festival tuwing December para hindi na mangyari ang nangyari sa “Thy Womb”.

MMFF should just be a ‘festival’ period.  Sa ibang award-giving bodies na lang ang mga pelikulang pang-award talaga.

ariel.inton@gmail.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply