Prusisyon ng Black Nazarene tatagal ng 12 oras

INAASAHANG makararating sa Quiapo Church ang prusisyon ng Black Nazarene mamayang alas-9:00 o alas-10:00 ng gabi.

Ayon kay Task Force Nazareno Commander Senior Superintendent Ronald Estilles, inaabot ng dalawang oras ang isang kilometrong prusisyon ng Nazareno at kung susumahin ay aabot ng 12 oras ang anim na kilometrong ruta ng traslacion.

Kasama na rito umano ang asahan nang pagbagal ng paglalakad sa masisikip na daraanan kaya tinatayang nasa alas-9:00 o alas-10:00 na makatutuntong ang replica ng Black Nazarene sa Quiapo Church.

“Ito pong procession na ito, sa isang kilometro po inabot ng mga 2 hours so we have 6 kilometers, aabutin po mga 12 hours bago dumating ng Quiapo Church at the least, minimum time.”

“Umalis po ng 7:30 ng umaga dito sa Quirino Grandstand plus 12 hours, that will be about mga 10:00 ng gabi o 9:00 ng gabi.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply