Dahil sa P10 sukli, P3M jackpot ng Lotto 6/42 nasungkit ng negosyante

NASUNGKIT ng isang 57-anyos na negosyante ang mahigit P3 milyon jackpot prize ng PCSO Lotto 6/42 na binola noong Enero 8 sa Pasay City, dahil sa sukling P10.

Hindi inaasahan ng negosyante na may mga paupahang apartment, na ang sukli nitong P10 mula sa P1,000 niyang taya sa mga inaalagaang kombinasyon ang maghahatid sa kanya ng suwerte.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, halos umabot ng P1,000 ang naubos ng negosyante nang tayaan ang mga inaalagaang numero sa isang lotto outlet sa Lipa City.

Nagkataon aniya na naubusan ng barya ang lotto outlet kaya’t hinimok ng teller na itaya na lamang ang P10 sukli na sinunod naman ng negosyante at natumbok ang kombinasyong 08-23-20-21-02-33 na may katumbas na premyong P3,390,093.00.

Magpapadala umano ang negosyante ng kaukulang tulong sa mga biktima ng bagyong Pablo at maglalagak pa ng puhunan sa pagtatayo ng apartment.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply