Namaril na Canadian national sa Cebu, kinapkapan at ininpeksyon ang bag

BAGO pinapasok ang Cebu Palace of Justice shooter na si John Pope, isang Canadian journalist, sa Macelo Fernan Hall of Justice ay kinapkapan ito at ininspeksyon ang bag, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Central Visayas.

Sa 3-pahinang ulat na kopyang ipinadala kay Justice Secretary Leila De Lima, ni NBI-7’s Bernard Dela Cruz na inatasan siya ni  Cebu City Mayor Mike Rama na magkasa ng imbestigasyon sa  scene of the crime.

“Ayon sa security guard na si Wilfredo Purola, kinapkapan niya ang katawan ni John Pope na ngayon ay patay na at maging ang dalang bag nito,” ayon sa ulat.

Pero wala nakapang baril si Purola at maging sa loob ng bag na bibit ni Pope.

Hindi naman nabanggit ni Dela Cruz kung naitanong nila kay  Purola kung kinapkapan niya si Pope sa bandang ibaba ng binti nito na posibleng doon inalagay para hindi makapa ang kanyang 357 revolver.

Bukod naman dito, inaalam na rin ng NBI ang teyoryang may nag-abot ng baril kay Pope nang ito ay nakalampas na sa inspeksyon ni Purola o bago ito pumasok sa Municipal Trial Court Branch 6 sa pagdinig ng kanyang dalawang kasong maliscious mischief.

Binaril ni Pope sina Dr. Rene Tafols, ang nagrereklamo laban sa kanya at ang abugado nitong si Atty. Juvian Achas habang naghihintay na magsimula ang padinig ng kanyang kaso sa sala ni MTCC Branch 6 prosecutor Pamela Baring Uy.

Matapos na makasigurong patay na ang kanyang target,  mabilis naman itong lumabas ng court room at nagpunta sa MTCC Branch 1 na kalapit na gusali o 50 metro ang layo sa branch 6.

Nakasalubong naman ni Pope si public prosecutor Maria Theresa Casino na may hawak sa isa pang kasong grave threats nito sa nasabi ring korte.

Hindi rin pinaligtas ni Pope si Casino na binaril nang malapitan at tinamaan sa leeg.
Ilang sandali lamang, natagpuan si Pope na wala ng buhay sa may hagdanan ng ground floor malapit sa naturang court room.

May nagsasabing nagbaril ito sa sarili pero may nagsasabi rin namang na binaril ito ng mga pulis.

Nais namang paimbestigahan ni DOJ National Prosecution Service (NPS), na si Prosecutor General Claro Arellano ang ‘clear lapse’ ng seguridad para hindi na maulit ang insidente at para matiyak ang seguridad ng publiko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply