22 OFWs mula sa Syria dumating na sa Pinas

NAIA-pic

DUMATING sa bansa ang isa na namang batch ng 22 OFWs mula bansang Syria sakay ng Quatar Airways flight QR 644 dakong alas-10 ng Huwebes ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport.

Inatasan agad ni DOLE Sec. Rosalinda Baldoz si OWWA Administrator Carmelita Dimzon na pakilusin ang OWWA Repatriation team upang asistihan ang mga OFWs sa pagdaan sa proseso sa cutom at immigration upang mapabilis at pagaanin ang situwasyon ng mga manggagawang problemado dahil sa sapilitang pag-uwi sa Pilipinas dahil sa kaguluhan sa Syria.

Agad ding isasailalim ang mga manggagawa sa Reintegration Program para sa mga OFWs , Balik-Pinay ,Balik-Hanapbuhay ng DOLE at Livelihood Assistance Program ng OWWA.

Mananatili ang mga OFWs sa pansamantalang tirahan ng OWWA at ang nais umuwi sa kanilang mga lalawigan ay bibigyan ng mga pangangailangan para makabiyahe pauwi.

Patuloy namang isasagawa ng Phil. Embassy sa Damascus ang pakikipagnegosasyon sa mga employer ng iba pang OFWs na ayaw pauwiin ang kanilang mga tauhan gayundin sa mga awtoridad ng Immigration ng Syria upang suportahan ang repatriation ng mga OFWs na nasa loob pa ng nagkakagulong bansa.

Ayon sa OWWA ,aabot na sa 3,317 na mga OFWs ang nakakabalik na sa bansa mula sa Syria.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply