23 kaso ng anthrax naitala sa Abra

anthrax-1

UMABOT na sa 23 kaso ng hinihinalang sakit na anthrax ang naitala ng Health Department sa probinsya ng Abra.

Sa ulat ng Abra health Office sa Cordillera ang naturang bilang ay mula lamang sa buwan ng Enero 17 hanggang 24 sa barangay Cayapa, Bacooc at Paganao, Abra.

Nakikipag-ugnayan na sa ngayon ang local health department ng Abra sa National Epidemiology Center at sa Department of Agriculture hinggil sa pagtaas ng kaso ng hinihinalang sakit na anthrax sa lugar.

Dahil dito, nakipag-ugnayan na ang Cordillera Local Health Support Division sa mga concerned agencies upang matugunan ang naturang epidemya.

Ayon sa ahensya ang anthrax ay isang deadly bacterial disease na karaniwan ay mula sa livestock na nakukuha ng tao mula sa direct contact sa mga karneng kontaminado ng nasabing bacteria.

Ayon naman kay Dr. Amelita Pangilinan ng Cordillera Local Health Support Division, ang mga biktima ay nakitaan ng sintomas ng anthrax tulad ng pagsusugat ng balat; pangangati ng balat; pananakit ng kalamnan; pananakit ng ulo at tiyan; kahirapan sa paghinga; sore throat; at dry cough.

Ang mga nakuhang specimen mula sa mga bitkima ay dinala na sa Maynila para sa laboratory examination.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply