24,419 napagsilbihan ng Caloocan library

INIULAT ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na umabot sa 24,419 residente at mga estudiyante ang napagsilbihan ng city library ng lungsod na layuning mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga naninirahan sa siyudad.

Base sa ulat na isinumite ng Cultural Affairs and Tourism Office (CATO), simula noong Enero hanggang Disyembre ng taong 2012 ay umabot sa 24,419 ang napagsilbihan ng city library na matatagpuan malapit sa Caloocan High School sa 10th Avenue.

Ayon kay Echiverri, bagama’t madali na ang pagsasaliksik ngayon gamit ang makabagong tekholohiya tulad ng internet ay marami pa ring mga estudiyante at residente ang nagpapasyang magtungo sa city library upang madagdagan ang kaalaman ng mga ito gamit ang libro.

Dahil dito, nagpasalamat si Echiverri sa mga taong tumatangkilik ng city library at idinagdag pa ng alkalde na bagama’t napaglumaan na ng panahon ang pagsasaliksik gamit ang mga libro ay tinatangkilik pa rin ng mga ito ang pampublikong silid aklatan.

Bukod sa mga napagsilbihan ng city library ay umabot naman sa 1,556 residente at estudiyante ang nagsaliksik gamit ang computer at internet sa pampublikong silid aklatan.

Umabot naman sa 165 na mga bagong libro ang naibigay ng mga residente at mga government agencies sa city library at mayroon ding 24 magazines at journal ang napasakamay ng pampublikong silid aklatan ng Lungsod ng Caloocan .

Kasabay nito, hinikayat din ni Echiverri ang mga residente at estudiyante na gamitin ang kanilang pampublikong silid aklatan nang sa gayon ay hindi na gumastos pa ang mga ito sakaling mayroong isasaliksik.

“Sa halip na gumastos kayo sa mga computer shop sa paghahanap na inyong research ay mas mabuti pa na magtungo na lamang kayo sa ating pampublikong silid aklatan para makatipid kayo sa gastos”, sabi ni Echiverri.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply