2,500 katao inilikas dahil sa pagbaha sa Butuan City

TINATAYANG 2,500 katao na ang inilikas sa anim na evacuation centers bunsod ng pagbaha sanhi ng malakas na ulan sa Butuan City.

Nabatid na umaabot na sa 1,079 pamilya o 2,500 indibidwal sa 21 barangay ang inilikas.

Dalawang biyahe naman ng Cebu Pacific sa Butuan ang kinansela kabilang ang 5J-785 kaninang alas-7:40 mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at return flight nitong 5J-786 ng alas-11:00 ng umaga.

Wala ring pasok ang lahat ng antas sa naturang siyudad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply