27 bayan sa Bicol, isinailalim sa election watchlist

ISINAILALIM na sa area of concern o watch list ng Commission on Election ang 27 bayan sa Bicol region.

Kasunod na rin ito ng isinagawang coordinating conference kahapon (Enero 18) sa pagitan ng Comelec, Philippine National Police (PNP) at Arm Forces of the Philippines (AFP).

Ang mga bayan na high-risk area ay nahahati sa dalawang kategorya na ang category 1 ay ang mga lugar na nakitaan ng mahigpit na labanan ng dalawang kandidato o grupo sa iisa lamang na posisyon at ang category 2 ay mga lugar na sinasabing may presensiya ng mga rebeldeng grupo.

Kabilang sa nasa ilalim ng category 1 ay ang mga bayan ng Pasacao, Bula, Bato, Siruma, Lupi at Iriga city sa lalawigan ng Camarines Sur, Malinao sa Albay at Balud, Claveria, Esperanza, Dimasalang, Milagros, Placer, San Fernando at San Pascual sa Masbate.

Nasa ilalim naman ng category 2 ang Aroroy, Palanas, Baleno, Uson at Mobo sa Masbate at Barcelona, Bulusan, Irosin at Magallanes sa Sorsogon.

Samantala, tanging lalawigan lang naman ng Catanduanes ang hindi napabilang sa election watchlist ng Comelec.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply