286 bangkay sa Pablo victims ‘di pa rin kilala

HINDI pa rin natuatukoy ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakakilanlan ng 286 na bangkay na kasama sa mga biktima ng bagyong Pablo sa Compostela Valley.

Dahil dito, umapela ang head ng NBI Disater Victims Identification na si Dr. Wilfredo Tierra na tulungan sila sa pagkilala sa mga biktima.

Ang nasabing bilang ng mga bangkay ay kasalukuyan pa ring nakalagak sa makeshift mortuary sa sementeryo sa New Bataan, Compostela Valley at patuloy na isinasailalim sa forensic examination.

Sinabi ni Tierra na naantala ang pagproseso sa pagkilala sa mga bangkay.

Hindi rin naman aniya kayang tugunan ito ng local government units (LGUs) dahil nakatutok ang mga ito sa rehabilitasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply