2nd oral argument sa Cybercrime Law, hindi natuloy

rally-vs-cybercrime-law-4

IPINAGPALIBAN ng Korte Suprema ang nakatakda sanang pagpapatuloy ng oral argument   ngayon kaugnay ng kontrobersyal na isyu ng Cybercrime Law.

Ayon kay SC clerk of court en banc, ito ay matapos maghain ng mosyon si SolGen Francis Jardeleza na humihiling na iurong na lang ang nakatakdang oral argument dahil biglaan siyang ipinatawang sa Malakanyang.

Kaugnay nito, itinakda naman ang muling pagpapatuloy ng oral argument sa susunod na Martes, Enero 29, sa ganap na alas-2 ng hapon.

Samantala, kahit hindi natuloy ang oral argument ay hindi naman nagpapigil ang mga kabataan sa pagpapahayag ng pagkundena sa Cybercrime Law.

Nagsaboy ng itim na confetti sa may terrace ng UP College of Arts and Sciences sa harap ng Korte Suprema ang grupo ng College Editors Guild of the Philippines at naglagay ng mga streamer na nananawagan ng pagbasura sa Cybercrime Law.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply