3 anyos nasagip ng ama sa rumaragasang baha

drowned (2)

NAILIGTAS ng isang ama ang kanyang tatlong taong gulang na anak nang maanod ng baha ang kanilang bahay sa Purok 5 Lower Lemon.

Dahil sa malakas na buhos ng ulan, nawasak ang bahay at tinangay ng malakas na alon ang anak ni Brgy. Kagawad Rodrigo Razon habang lumilikas sa kanilang tahanan ng mangyari ang insidente.

Nakita ni Razon nang mabuwal sa lakas ng alon ang kanilang bahay kaya naman naagapan ni Razon ang aksidente sa paghabol sa agos ng baha habang nalulunod ang bata.

Maswerte namang nakaligtas ang buong pamilya matapos ang insidente. Nakahawak ang mga ito sa isang malaking lumulutang na kahoy na naitaboy at makakapit sa tabi ng ilog.

Dahil dito, agad nagsilikas ang mga residente sa lugar bunga ng malalakas na agos at tubig baha.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply