3 Fil-Am pasok sa American Idol 12 Top 40?

American-Idol-12

SANA totoo nga na tatlong Filipino-American ang nakapasok sa Top 40 ng American Idol season 12 base sa mga spoiler na lumabas sa iba’t ibang website. Good news ito para sa mga Pinoy lalo para sa mga avid viewer ng AI.

Ang AI season 12 ay eere pa lang sa January 16, 2013 sa Fox channel ngunit hayan nga at lumabas na ang mga spoiler kung saan makikita ang listahan ng mga nakapasok sa Top 40, kabilang ang sinasabing talong Pinoy na sina Bryant Tadeo (Hawaii), Adriana Latonio at Jett Hermano (Seattle, Washington).

Binubuo ang Top 40 ng 20 boys at 20 girls, ayon pa rin sa spoiler.

Kaabang-abang din ang season na ito dahil mayroong 3 bagong judges: Mariah Carey, Nicki Minaj at Aussie country singer Keith Urban.

Samantala, magugunitang malaki ang naging impact sa mga Pinoy ng AI season 11 dahil almost winner dito si Fil-Am-Mexican Jessica Sanchez.

Si Sanchez ay tinutukan ng mga Pinoy all over the world at halos lahat ay nadismaya nang magapi ito ng country crooner na si Philip Philips.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply