3-game skid tinapos ng Knicks

anthony

GUTOM ni Carmelo Anthony hindi sa panalo kundi talagang gusto niyang kumain.

Nag fasting sa loob ng dalawang Linggo ang star player ng New York Knicks na si Anthony kaya mrdyo nahihirapan siyang ibalik ang kanyang resistensya.

Kanina ay tumikada ng 27 puntos, pitong rebounds at tatlong assists si Anthony upang kaldagin ang New Orleans Hornets, 100-87 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

”I’m kind of going through something right now with my own self, trying to find some energy and things like that. But we’ll be fine,” sabi ni Anthony. ”We bounced back pretty well, I bounced back pretty well, stuck with it and won the game.”

Dalawang puntos lang ang naisalpak ni Anthony sa first quarter, pito sa second canto subalit sa dalawang huling period ay bumira ito ng 18 puntos upang tapusin ang three-game losing streak ng New York at mapaganda ang team standing sa 24-13 win-loss slate.

Ayon sa All-Star forward, Anthony hindi siya kumain ng meats or carbs loob ng 15 araw kaya marahil ay matamlay ang kanyang laro.

Nag rehistro lang si Anthony ng 6-for-26 shooting nang matalo sila sa Boston Celtics kasama na rin ang 1-for-8 sa first quarter sa huling dalawang laro.

”I usually do it sometimes just to get some clarity in my life and just spiritual reasons. I’m done now. I can’t do it no more. I surrender,” Anthony said, saying he was headed out to look for a steak after the game.

Nakakuha ng tulong si Anthony kay Chris Copeland na bumira ng 22 points at apat na rebounds.

Samantala, nakaligtas sa seven-game skid ang Los Angeles Lakers matapos tambakan ang mahinang Cleveland Cavaliers, 113-93.

Nagsanib puwersa sina star players Kobe Bryant at Dwight Howard sa opensa upang ilista ang 16-21 baraha ng Lakers.

May kinamadang 23 pts., anim na assists at dalawang rebounds si Bryant habang si Howard ay kumana ng 22 puntos at 14 na boards.

Sa ibang NBA resulta, kinaldag ng Denver Nuggets at Golden State Warriors, 116-105 habang kinatay ng San Antonio Spurs ang Minnesota Timberwolves, 106-88.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply