3 holdaper, bumulagta sa parak

3-dead

BUMULAGTA ang tatlong hinihinalang holdaper matapos makasagupa ang mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 sa Recto, Maynila kaninang madaling araw.

Sa report ni PO3 Rodel Benitez, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente ganap na alas 2:45 ng madaling araw sa kanto ng Tomas Mapua at Recto Avenue sa Maynila.

Una  rito, nagroronda ang mga tauhan ni Police Superintendent Ricardo Layug, MPD-PS3 Chief, nang maaktuhan ang tatlong ‘di pa nakilalang lalaki na pababa sa isang pampasaherong jeep .

Nagsisigawan umano ang mga pasahero ng naturang jeep dahilan upang maagaw ang kanilang atensyon at nang aktong lalapitan ang mga suspek ay agad silang pinaputukan na ginantihan naman ng mga awtoridad.

Agad na tumimbuwang ang tatlo sa lugar at narekober naman ang mga baril na ginamit sa panghoholdap, maging ang gamit ng mga biktima.

Nabatid na ang naturang jeep ay biyaheng Cuba-Recto at sumakay ang mga suspek sa may Isetan Department Store sa Recto  .

Hindi pa man umuusad ang jeep ay agad nang nagdeklara ng holdap ang mga ito.

Patuloy ang isinasagawng imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply