3 katao, timbog sa droga

behind bars

TIMBOG ang tatlo katao matapos salakayin ng mga pulis sa isang bahay kaninang madaling araw sa Sampaloc, Maynila dahil sa kaso ng pagtutulak ng bawal na droga.

Sa blotter ni SPO2 Joselito Magante ng MPD District Anti Illegal Drugs o DAID, kinilala ang mga inaresto na sina Rosemarie B. Galang, 52, ng 1838-N, G. Tuazon St., Sampaloc; Rizalino C. Galang, 30, anak ni Rosemarie at ang kaibigan ni Rosemarie na Leonila Apolinar, 50, ng 3462 San Jose St., Sampaloc.

Ayon kay Magante, dakong alas 12:15 kaninang madaling araw nang isagawa ang pagsalakay sa bahay ng suspek na si Rosemarie.

Inamin naman ni Rosemarie na may nakumpiskang isang plastic sachet ng bawal na droga sa kanyang pag-iingat.

Habang mariin namang itinanggi ni Leonila na siya ay may kinalaman sa gawain ni Rosemarie dahil siya ay dinampot na rin ng pulisya nang arestuhin ang kanyang kumare.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply