3 kelot nalunod, patay

3-dead

TATLONG magkakaibigan ang natagpuang patay na naunang napaulat na nawawala makaraang malunod sa ilog sa Claver, Surigao del Norte.

Natagpuan ang mga biktima sa layong mahigit dalawang kilometro mula sa lugar kung saan sila huling nakita sa ilog sa Guigaquit na nakilalang sina RJ Baita, 20; Richard Peralta, 21;  Ralph Renz Esperon, 10, pawang nasa state of decomposition na.

Nabatid na nagkayayaan ang magkaibigan na maligo sa ilog makaraang maglaro ng basketball hanggang sa tinangay ng malakas na alon ng ilog.

Nakaligtas naman sina Benz Ivan Panyon, 15; Mark Dave Siring, 14 na siyang humingi ng tulong sa awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply