3 milyonaryo na ang naitala ngayong 2013

lotto-winner

TATLO na ang naitala ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na naging instant milyonaryo sa pagpasok ng taong 2013 nang mapabilang pa ang dalawang mapalad na mananaya na nasolo ang jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto at 6/42 lotto na magkasunod na binola kagabi sa tanggapan ng nabatid na ahensiya sa Pasay City.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, tumaya sa isang lotto outlet sa Tunasan, Muntinlupa City ang bettor na solong nakasapol sa kombinasyong 55-38-13-28-41-39 ng 6/55 Grand Lotto na may katumbas na jackpot prize na P94,226,263.20.

Sa isang lotto outlet naman sa Caloocan City natunton ng PCSO tumaya ang solong nakakuha sa kombinasyong 33-31-19-23-28-15 ng 6/42 lotto na may katumbas namang premyong P10,363,059.00.

Matatandaan na unang nabingwit ng isang mananaya sa Karuhatan, Valenzuela City ang 6/49 Super Lotto na binola noong January 3 na may katapat na jackpot prize na P16 million at naitala bilang kauna-unahang instant milyonaryo ng taong 2013.

Sinabi ni Rojas na dahil sa sunod-sunod na pagkakapanalo ng mga mananaya sa lotto,  umaasa sila na mas marami pang mananaya ang tatangkilik sa lotto na magreresulta naman sa higit pang benepisyo na matatanggap ng mga mahihirap at higit na nangangailangan na siyang layunin ng kanilang ahensiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply