3 patay sa shooting rampage sa Colorado, suspek patay din

colorado-shooting

APAT ang patay, kabilang ang suspek sa naganap na shooting rampage sa Colorado, USA.

Nabatid na basta na lamang namaril ang suspek, inaalam pa ang pagkakilanlan sa isang townhouse sa bayan ng Aurora sa hindi malamang dahilan.

Sa imbestigasyon, umabot din ng limang oras ang hostage-negotiation  bago napatay ng mga pulis ang suspek.

Una rito, habang namamaril ang suspek ay masuwerteng nakatakas ang isang babae mula sa naturang bahay kaya nakahingi ng tulong sa pulisya.

Gayunman, bago pa dumating ang saklolo ay tatlo na ang napatay ng salarin.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply