3 pinagbabaril: 2 dedbol, 1 sugatan

2 patay

BUMULAGTA sa tapat ng palengke ang dalawang magkaibigan habang sugatan naman ang isa pa nang ratratin ng dalawang armadong lalaki sa Quezon City, Linggo ng gabi (Enero 6).

Dead on arrival ang mga biktimang sina Rolando Talento, at Joel Tabor, kapwa residente ng Barangay Commonwealth, sanhi ng tinamong kapansanan sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nagpapagaling na lamang sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang isa pang biktima na si Arnel Celestino, na nagtamo rin ng tama sa katawan.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang nasa likod ng pamamaril at kung ano ang motibo sa krimen.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 7:20 nitong Linggo ng gabi sa tapat ng Barangay Commonwealth market sa lungsod.

Nagkukuwentuhan ang tatlong magkakaibigan sa tapat ng naturang palengke nang dumating ang mga suspek na sakay sa motorsiklo at bigla na lamang silang pinagbabaril bago tumakas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply