3-pointer ni Irving swak sa Cavs

kyrie

PINATUNAYAN ni Kyrie Irving na karapat-dapat siyang mapasama sa All-Star matapos buhatin ang Cleveland Cavaliers sa panalo laban sa Toronto Raptors, 99-98 kanina sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Pumukol ang second-star ng game-winner 3-pointer may 0.7 seconds na lang sa orasan upang ilista ang tatlong sunod na panalo at mag marka ng 13-32 win-loss slate.

”He’s just playing at an unbelievably high level right now,” saad ni Cavaliers coach Byron Scott.

Bumira ng 32 puntos, limang assists at apat na rebounds si Irving para muling magpakitang gilas sa Eastern Conference matapos ang kanyang 40-point performance kontra Boston at 35-point effort laban sa Milwaukee na naging dahilan ng pagsama niya sa unang pagkakataon sa All-Star selection.

”I wanted to get a win,” ani Irving. ”It was personal for me. In a year and a half of being in the NBA, I hadn’t gotten a win against Toronto. To hit a game-winner and beat them on their home court feels good.”

Si Marreese Speights na bagong salta sa Cleveland ay nagulat sa ipinakitang laro ni Irving.

“Seeing Irving up close has given him a new appreciation for the guard who was the top pick in the 2011 draft.”
Ayon kay Speights na na trade sa Cleveland noong Martes.
May inambag si Speights na 17 puntos at limang rebounds habang sina Tristan Thompson at Wayne Ellington ay may 14 at 12 ayon sa pagkakasunod.

Si Amir Johnson ang nanguna sa opensa para sa Raptors matapos magtala ng 18 points.

Samantala, nasilat ang mga malalakas na koponan sa mahihinang team.

Natalo ang pumapangala sa Eastern Conference na New York Knicks sa Philadelphia 76ers, 80-97 habang lugmok ang Chicago Bulls sa washington Wizards, 73-86.

Yumuko rin ang Brooklyn Nets sa Houston Rockets, 106-119 maging ang malakas na Golden State Warriors ay nabigo sa Milwaukee Bucks, 102-109.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply