3 proyekto ng Comelec sa 2013 elections, nakuha ng Smartmatic-TIM

comelecc

NASUNGKIT ng Smartmatic-Total Information Management Corporation (TIM) ang tatlong proyekto ng Commission on Elections para sa 2013 elections na nagkakahalaga ng kabuuang P686.28 million.

Nakuha ng kontrobersyal na grupo ang mga proyekto matapos ang isinagawang public bidding ng Commission on Elections (COMELEC).

Batay sa tatlong notices of awards na inilabas ng COMELEC, ang Smartmatic-TIM ang magsisilbing provider ng compact flash (CF) cards at transmission modems na gagamitin sa darating na halalan.

Napag-alaman na umaabot sa P45.2 million ang kabuuang halaga ng mahigit 82,000 CF cards na i-su-suplay ng Smartmatic-TIM. Ang bawat CF card ay nagkakahalaga ng P550.

Naipanalo rin ng Smartmatic-TIM ang bidding para sa electronic transmission ng resulta ng eleksyon na nagkahalaga naman ng mahigit P485.5 million.

Kaugnay nito, inatasan na ng COMELEC ang kompanya na maglagak ng kanilang performance security, cash bond, letter of credit, at surety bond na umaabot sa 35% ng contract price ng bawat proyekto na kanilang nakuha.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply