3 ‘salvage’ victims natagpuan sa Leyte

3-dead

HINDI lang isa kundi tatlong salvage victims ang ikinalat sa kalsada ng Leyte.

Dalawa sa mga biktima ay may tattoo ng TBS na ang ibig sabihin ay True Brown Style, isang grupo ng kabataan na kasapi sa fraternity habang ang isa naman ay nilalas ang leeg.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang nag-salvage sa mga hindi nakikilalang biktima pero dahil sila ay pawang mga miyembro ng TBS kaya malamang na ang kalabang grupo nito ang may kagagawan ng krimen.

Sa ulat, natagpuan ang mga salvage victims sa tabi ng kalsada dakong ika-2 ng madaling araw sa isang bisinidad ng Sitio Sagkahan sa Kananga, Leyte kahapon ng umaga (Enero 25).

Ayon sa mga residente, bago ang pagkakadiskubre sa mga bangkay ay nakarinig sila ng ilang sunod na putok ng baril pero sa takot na madamay ay hindi sila lumabas sa kani-kanilang bahay para makipag-usyoso.

Makalipas naman ang kalahating oras, sumilip na ang ilan sa mga residente at nakita nilang nakatimbuwang sa kalsada ang tatlong bangkay na pawang may tama ng bala sa katawan. Nakatali rin ng alambre ang mga kamay ng mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply