3 sasakyan nagkarambola sa Pasig, 7 sugatan

emergency-2

SUGATAN ang pito katao nang magkarambola ang tatlong sasakyan sa northbound lane ng C5 Road sa Pasig City, kaninang madaling araw.

Ang mga biktima na lulan ng L300 van ay agad na nilapatan ng lunas ng mga rumespondeng Barangay Ugong Rescue Team bago dalhin sa ospital.

Nabatid sa paunang ulat na sinalpok muna ng naturang van (PXR 245) na minamamaneho ni Dante Camarines ang isang Toyota Innova (PWI 248) na minamaneho naman ni Christopher Pamintuan.

Kasunod naman nito nasangkot sa karambola ang tanker (TYV 981) na dala ni Lydon Labay.

Dahil sa insidente, nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa naturang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply