3 sasakyan nagkarambola sa QC, 12 sugatan

karambola

NASUGATAN ang 12 katao nang magkarambola ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Philcoa, Quezon City kaninang umaga.

Ang mga ‘di pa pinangalanang biktima ay agad na isinugod sa East Avenue Medical Center dahil sa bahagyang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa MMDA Metro Base, binangga ng Hilltop Tours Bus ang likuran ng isang pampasaherong jeep na lulan ang limang pasahero.

Dahil sa pagkakasalpok, nahagip naman ng jeep ang tricycle na nasa unahan nito.

Karamihan sa mga nasaktan ay pawang sakay ng pampasaherong jeep.

Agad namang naialis ang mga nasangkot na sasakyan na nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa naturang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply