3 sasakyan nagkarambola sa Quezon: 7 sugatan

accident

SUGATAN ang pito katao makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Maharlika Highway sakop ng Barangay Villabota sa Gumaca, Quezon.

Nabatid na sinakop ng Isuzu elf truck (RJT 412) ang kabilang kalsada kung kaya sumalpok ito sa paparating na BLTB bus na nakabangga naman sa isang motorsiklo nang iwasan ng driver ang naturang trak.

Nakilala ang mga sugatan na sina Ronilo Nieda, driver ng elf truck; Jay Torcuator, bus driver; Roel Bagasala, motorcycle rider; Henry Azares, inspektor ng bus; Tricia Bagasala, angkas ng motorsiklo; Armando Rodriguez, pasahero; Diosdado Villarino, pasahero; at Gerry Ardillegos, pasahero na agad na isinugod sa Gumaca District Hospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply