3 taong nagtago: Lolong nangreyp ng apo, tiklo

tiklo

MATAPOS ang tatlong taong pagtatago, nalambat ng awtoridad ang isang lolong gumahasa sa sariling apo na may diperensya sa pag-iisip sa Sorsogon.

Dahil sa bisa ng arrest warrant, ay hindi na nakapalag pa at agad sumuko sa pulisya ang suspek na si Thomas Lozada, 62-anyos, at residente ng Tabon-tabon bayan ng Irosin.

Naaresto si Lozada nitong Linggo ng dakong alas-4:40 ng hapon sa bahay ng kanyang kamag-anak.

Bago ito, nabatid na sinamantala ng suspek ang pagkakaroon ng diperensiya ng biktima kaya ginahasa ito pero nang mabuko ay biglang umeskapo.

May tatlong taon ding hindi nakita si Lozada pero nang may makapag-tip sa pulisya sa kinaroroonan ng suspek ay ikinasa agad ang paghuli dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply