3 tirador ng AUV express bus, nalagas sa barilan sa QC

holdaper6

TODAS sa engkuwentro ang tatlong tirador ng AUV express bus nang kumasa sa pulisya nitong nakaraang Martes ng gabi sa Quezon City.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay noon din ang  hindi nakikilalang mga supect na pawang may mga tattoo sa katawan.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong alas-11 nitong Martes ng gabi sa Sauyo area sa Novaliches.

Bago ito, sumakay sa nasabing AUV bus ang mga suspect sa Mindanao Avenue pero nang makarating sila sa Seminary Road ay nagdeklara ng holdap at matapos makulimbat ang pera, alahas at cellphones ng mga pasahero ay tumakas na.

Lingid sa kaalaman ng mga holdaper, nakapag-report na pala agad sa pulisya ang kanilang mga nabiktima at sa ikanasang follow up operation ay namataan ang mga suspect.

Imbes naman sumuko ay lumaban ang mga suspect at napatay sa barilan. Nakumpiska sa mga suspect ng calibre .38 at calibre .22 na baril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply