3 tiwaling pulis, sinibak ng NCRPO

PNP-AIDS

TATLONG rookie policemen ang sinibak sa tungkulin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa kasong kriminal at administratibo.

Ang pagkakasibak sa puwesto ay inaprubahan ni NCRPO chief Director Leonardo Espina laban kina Police Officer 1 Jason Tiamson at Police Officer 1 Tristan Mariz Gutierrez na nasasangkot sa kasong robbery extortion, at Police Officer 1 Ablason Gabriente kaugnay sa infidelity in the custody of prisoner.

Batay sa record, nabatid na si Tiamson at Gutierrez ay sinibak dahil sa reklamo ni Kim Byung Woo noong July 19, 2012 makaraan ang dalawang pulis ay pinasok ang bahay ni Woo para kunin ang business permit.

Nang walang maipakitang business license, kinotongan ng dalawang pulis si Woo ng halagang P20,000.

Dahil tanging P6,000 lamang ang laman ng bulsa ni Woo noong oras na yun, pinilit umano ng mga pulis na maglabas ng pera si Woo sa kanyang bank account gamit ang ATM card para makumpleto ang hinihinging halaga.

Hindi pa umano nasiyahan ang dalawang pulis, bumalik sa bahay ni Woo ang dalawang pulis at kinuha pa ng mga ito ang kanyang Olympus camera at Rayban sunglass.

Sa hiwalay na insidente, si Gabriente ay sinibak kaugnay sa pagkakatakas ng isang binabantayang magnanakaw na si Jenny Lazaro, noong  April 26, 2009.

Samantala, anim na pulis naman ang sinuspinde dahil sa iba’t ibang kasong administratibo.

Kinilala ang anim na pulis na sina SPO2 Rolando Cartalla (falsification of public documents), PO3 Sancho Dichoson Jr. (violation of Republic Act No. 9262 o violence against women and their children),  PO1 Ryan King Gonzalez, PO2 Edgardo Taguiam, PO1 Alejo Donguya, PO2 Amado Pangilinan dahil sa absent-without-official-leave o AWOL.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply