30 minutong sunog sa QC, 7 bahay naabo

fire

SA LOOB lamang ng 30 minuto, pitong bahay ang nilamon ng apoy sa sunog na sumiklab sa may Commonwealth Avenue, Riverside sakop ng Barangay Holy Spirit, sa Quezon City, Lunes ng umaga.

Ayon kay Sr. Supt. Bobby Baruelo, fire marshall ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), nag-umpisa ang apoy dakong 10:42 ng umaga sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Wilson Sales.

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng BFP, lumabas na naiwanan ni Sales ang kanyang nilulutong pagkain sa kusina.

Dahil gawa sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay pero dahil nasa gilid lamang ito ng Commonwealth Avenue ay agad ding naapula at napigilang kumalat pa sa mga dikit-dikit na kabahayan.

Umakyat sa ika-apat na alarma ang sunog at naapula makalipas lamang ang 30-minuto.

Tinatayang aabot sa P500,000 ang halaga ng napinsalang mga kagamitan mula sa mga natupok na bahay.

Sa kabutihang palad, wala namang namatay o nasaktan sa nasabing sunog bagama’t nagdulot ito ng bahagyang pagsisikip ng trapik sa westbound ng Commonwealth Avenue mula sa tapat ng Commonwealth market.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply