30 puwesto sa palengke sa QC nilamon ng apoy

fire

ABOT sa 30 puwesto sa palengke ang nasunog makaraang lamunin ng apoy ang isang  Market stall sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Brgy. Commonwealth, QC  kagabi Enero 7, 2013 (Lunes).

Ayon kay SPO4 Peter Wala Wala ng Quezon City Police District  station 6  Batasan,  naganap ang insidente dakong 10:56 ng gabi kagabi sa Market stall sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, corner Kasunduan  Street, Brgy. Commonwealth, QC.

Sinabi sa ulat na tinupok ng apoy ang mga panindang damit at iba pang RTW sa naturang  market at mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing tindahan ng mga damit.

Ganap na fire out ang sunog dakong 11:25 kagabi matapos magdatingan ang 10 truck ng bumbero sa iba’t-ibang fire station ng Bureau of Fire Protection.

Wala naman iniulat na nasugatan o nasawi sa naturang sunog.

Aabot sa milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa mahigit  30 minutong sunog na  naganap.

Inaalam pa ng mga tauhan ng arson investigator ng BFP-QC ang sanhi ng sunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply