3,000 pulis ipakakalat sa kapistahan ng Black Nazarene – NCRPO

black-nazarene

IPAKAKALAT ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 3,000 pulis sa Maynila  para sa kapistahan ng itim na Nazareno sa darating na Miyerkules, Enero 9.

Ayon sa NCRPO, makikipag-ugnayan na sila sa Manila City government at maging sa pamunuan ng Quiapo Church para matiyak ang seguridad ng mga devotee at publiko na makikiisa lalo na sa prusisyon ng itim na Nazareno.

Umapela rin ang NCRPO sa milyun-milyong deboto na huwag nang magbitbit ng bata at mahahalagang gamit sa pagsama sa prusisyon at pagdalo sa iba pang aktibidad na may kinalaman sa pista ng itim na Nazareno.

Nauna rito, 700 katao ang nasugatan sa Quiapo fiesta noong isang taon lalo na sa prusisyon na tumagal ng mahigit 22 oras.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply