3,338 kaso ng HIV-AIDS naitala noong 2012

HIV AIDS

INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat sa mahigit 3,000 ang bilang ng mga naitala nilang kaso ng HIV-AIDS infection sa bansa noong taong 2012.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), na sa isinagawa nilang monitoring noong 2012 ay mayroong kabuuang 3,338 kaso ng HIV-AIDS ang kanilang naitala.

Batay sa HIV and AIDS registry ng DOH-NEC, mas marami ang naturang bilang ng 989 kaso kumpara sa 2,349 kaso lamang na naitala noong taong 2011.

Aniya, umakyat sa nasabing bilang ang mga dinapuan ng sakit matapos na makapagtala pa ang DOH ng 293 bagong kaso ng impeksiyon noong Disyembre 2012.

Umaabot na sa 11,702 ang bilang ng mga tinamaan ng HIV-AIDS sa bansa simula nang gawing regular ng DOH ang monitoring sa sakit noong taong 1984.

“Total number of new Persons living with HIV for 2012 is 3,338 as 293 more cases were reported in December From 1984-2012 it is 11,702,” tweet pa ni Tayag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply