3,551 vocational students napagtapos ni Recom sa 2012

NAGKAROON ng linaw ang kinabukasan ng 3,551 estudiyante matapos na makapagtapos ang mga ito sa vocational courses sa tulong ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa nakalipas na taon.

Sa ulat ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO), simula Enero hanggang Disyembre ay umabot sa 1,918 sa mga estudiyante ang nagmula sa North Caloocan ang mga nagsipagtapos habang ang natitirang 1,633 ay nanggaling naman sa Caloocan South.

Ayon kay Echiverri, malaki ang maitutulong sa mga nagtapos ang kanilang mga natutunan sa kursong kanilang napiling kunin dahil ito ang magiging sandata ng mga ito sa pagsuong sa panibagong pakikibaka sa buhay.

Kabilang sa mga kursong kinuha ng mga nagsipagtapos ay ang automotive servicing; carpentry; electrical installation and maintenance; ref and air-conditioning servicing; small engine technician; shielded metal arc welding-NC II; gas metal arc welding at consumer electronics servicing-NC II para sa hard trade courses.

Para naman sa soft trade courses, kabilang ang mga kursong beauty care; commercial cooking-NCII; dressmaking-NCII; fashion apparel; food processing-NC II; hairdressing; massage therapy at housekeeping servicing.

Kasama naman sa IT courses ang mga kursong advanced computer operation; basic computer operation; cellphone repair technician at computer hardware servicing-NC II.

Kaugnay nito, umabot naman sa 686 na mga estidiyante ang mga nagsipagtapos sa mga barangay kung saan nagsagawa ng “outreach training” sa mga barangay sa Lungsod ng Caloocan na kumuha rin ng parehas na mga kurso.

Sinabi pa ni Echiverri, magpapatuloy ang kanyang administrasyon sa pagbibigay ng training sa mga residenteng gustong magkaroon ng karunungan upang makakuha ang mga ito ng sapat na pagkakakitaan.

Nagpasalamat din ang alkalde sa mga opisyal ng barangay at kay Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri dahil sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga ito sa bawat proyekto ng kanyang administrasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply