39 pts. ni Anthony sinuwag lang ng Bulls

carmelo

BUMALIK na sa paglalaro si star player Carmelo Anthony mula sa suspension subalit hindi rin nagawang pasanin ang New York Knicks.

Hindi sumapat ang 39 puntos, walong rebounds at limang assists ni All-Star player Anthony dahil nasuwag pa rin sila ng Chicago Bulls.

Bumira si Luol Deng season-high 33 points upang kaldagin ng Bulls ang Knicks, 108-101 sa pangatlong pagkakataon ngayong season sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

”I think it was a big game. A lot of people watching and everybody was saying the Knicks were going to get revenge for what happened last time, nah, nah, nah,” nakangiting sabi ni Joakim Noah. ”And we came back, held it down again.”

Dahil sa talo nalasap ng New York ang season-high three straight loss.

”We definitely don’t want to lose. We’ve got to bounce back, take it one day at a time, one game at a time,” pahayag ni Anthony. ”Sunday is our next game, New Orleans, and that’s a game that we have to go get. It’s a must-win.”

Dominado ng Bulls ang tatlong period, (1st, 2nd at 3rd) kaya naman umalagwa sila ng 22 puntos, 82-60 papasok ng fourth canto.

Sa payoff period ay kumana ang Knicks ng 41 pts. habang 26 pts. Sa Bulls subalit kinapos pa rin.

”Whenever somebody goes down, somebody has to step up,” ani Knick center Tyson Chandler . ”It’s been unfortunate for us because it’s kind of been a revolving door, in and out, guys getting.

Bumira rin si Carlos Boozer ng 17 points habang 14 pts. si Richard Hamilton upang ilista ng Bulls ang 20-14 win-loss slate.

Napako naman sa 23 panalo sa 36 na laban ang Knicks.

Samantala, binaon ng last year’s runner-up Oklahoma City Thunder ang Los Angeles Lakers, 116-101 upang malasap ng huli ang six-game skid.

Nakopo naman ng Boston Celtics ang six-game winning streak matapos kaldagin ang Houston Rockets, 103-91.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply