4 anyos patay sa ligaw na bala

PATAY ang 4 anyos na batang lalake matapos na tamaan ng ligaw nab ala habang nanonood ng fireworks habang nasa kasagsagan ng pagdiriwang ng bagong taon kagabi sa Mandaluyong City.

Kinilala ni Mandaluyong City chief of Police P/Sr. Supt. Armando Bolalin ang biktima na si Ranjelo Nemor, residente ng Blk. 26, Brgy. Addition Hills ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi sa harapan ng bahay ng biktima kung saan ay nagpaalam iyo para manood ng mga fireworks.

Si Nemor ay tinamaan ng bala sa likurang bahagi ng kanyang katawan mula sa baril na sumpak o improvised gun galling sa hindi pa mabatid na suspek.

Ang biktima ay nagawang isugod sa Mandaluyong City Medical Center (MCMC) ng kanyang mga kaanak subalit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa pulisya nahihirapan silang matukoy kung sino ang salarin dahil sa ang baril ay walang lisensiya kung kayat nakikiusap sa mga residente na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan kung sino man ang nakakita nang taong nagpaputok ng baril sa lugar sa nabangit na oras.

Nagsasagawa na rin nang masusing imbestigasyon ang Mandaluyong PNP para matukoy kung sino ang dapat na managot sa krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply