4 dayuhang hinuli ni Chavit sa pot session, hiniling na makapagpiyansa

APAT na banyaga na kamakailan ay kinuwelyuhan ni Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson sa Quezon City ang humiling sa korte na payagan silang makapagpiyansa habang ang drug charges laban sa kanila ay dinidinig.

Nahuli ang mga banyaga na humihithit ng marijuana habang nasa bahay ni Singson nitong nakaraang Linggo.

Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD), na si Singson mismo ang nagkasa ng isang citizen’s arrest laban sa apat na dayuhan.

Sa pamamagitan ng kanilang abugado na si lawyer Elizabeth Macaibay, nagsampa ng kanilang mosyon sina British citizens James Gates, Jack McLeod, Ross Barnaby McLeod at Australian Arthur Murray Nash para makapagpiyansa kahapon.

Inatasan naman ni Executive Judge Fernando Sagun ng Quezon City Regional Trial Court si Assistant City Prosecutor Irene Resurreccion na isumite ang kanyabg komento sa mosyon na isinampa ng apat na dayuhan.

Binitbit ni Singson sina Gates at iba pa sa QCPD, matapos niyang mahuling humihithit ng marijuana  sa loob ng kanyang babay sa  Corinthian Gardens subdivision.

Kinasuhan naman agad ng QCPD ang apat na banyaga ng  possession at paggamit ng illegal drugs at paraphernalia, na pawang bailable offenses.

Hindi naman nabanggit ni Singson, kung sino ang kasama ng mga banyaga sa kanyang bahay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply