4 man team ng NBI tumulak na patungong Malaysia

malaysia

TUMULAK na patungong Malaysia ang ilang nabiktima ng Aman Futures group.

Ito ang kinumpirma ni Secretary Leila de Lima na naaresto na ang founder ng Aman Futures na si Emanuel Amalilio sa Kota Kinabalu sa bansang nabanggit.

Ayon kay Atty Virgilio Mendez, deputy director for regional operations services ng NBI,  nakausap na niya ang ilan sa mga biktima at gusto nilang makita si Amalilio at wala naman nakikitang problema rito ang NBI.

Kinumpirma ni Mendez na ang 4-man team ng regional operations services ng  ahensiya  ang magtutungo sa Malaysia upang makipag-usap sa Malaysian immigration na may hawak kay Amalilio

Ayon kay Mendez, dalawang existing arrest warrants ang hawak ng NBI laban sa founder ng Aman Futures.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply